
 |
|
Sa ganito kami nagsimula, Eto yung dp nya noon nung inadd nya ako, unang-una gusto ko sa lalaki yung chubby din at na-cute-tan naman ako sa kanya kaya inaccept ko sya. Kahit full na yung friend request ko. Nagbura pa nga ako ng isa para maaccept ko sya, Alam kong ippm nya naman ako nararamdaman ko. At ayun, nagpm nga sya gaya ng hinihintay ko. Kinilala nya lang ako, but sad to say hindi nya hiningi yung cp # ko or kahit anong contact #, Mahilig kasi syang madota noon, busy sya at ika- nya ayaw nya din agad na kuhanin ang # ko dahil halata nga naman daw masyado at titignan nya muna kung ano ang dating ko kausap. Eto naman yung DP ko noon, lagi ko syang hinihintay mag online nun e.. Pero yung mga pagkakataong iyon may mga suitors din ako kaso mas nagustuhan ko sya kesa sa iba ayun ang totoo. Kaya ko inignore lahat yun, Hanggang sa kinuha ko na yung tel. # nya at knuha nya yung akin, nagtawagan na kami halos gabi gabi. Hanggang umaga pa nga halos kami matulog kakausap, parang walang katapusan, parang hindi mauubusan ng kwento, parang ayaw maghiwalay kahit sa telepono,nag-iiyakan pa nga minsan. Haha. nakakatuwa. At dahil sa magandang pagkakaigihan sa telepono, facebook, at text.

Nagkaroon na ng feeling na "Tayo na" una nga ayoko pa ng ganitong petsa, kasi ganito o kasi ganyan. Pero syempre naging kami na ng Apr. 18, 2011 yan ang pinaka-cool na nangyari sa buhay ko, dyan nagumpisang gumana ang bill namin sa telepono at dyan din nagumpisang lumaki ang eyebag ko at higit sa lahat ang kilig na hindi ko na nararamdaman ng matagal ng panahon na pagkakabakante sa pag-ibig. Pero buhat nung naging kami, lahat naman yon napawi nya, lagi kaming masaya sa telepono, at ayaw ko na hindi kami nagkakausap. Una palang, nasa listahan na talaga namin ang pag-aaway kahit simpleng bagay. Napaka-selosa ko kasi at manipis masyado. At dahil nga lubusang pagkakakilala sa isa't-isa dumating na ang araw na pinakahihintay ni Dave Marvin Bueno, Ang mameet ako, pero ako kinakabahan ako na baka hindi nya ako magustuhan at baka masama syang tao o anuman ewan ko bat may bumabagabag na ganoon sa akin ng mga sandaling nasa byahe na ako. Tandang tanda ko non, naka-make-up talaga ako kasi gusto ko maganda ako kapag nakita nya ako. Kasi alam kong cute sya. Ayun sa wakas, nakarating na ako? makikipagkita pa kaya ako. Ganyan ang tanong ko habang naglalakad papalapit sa kanya, Nakita nya na ako sa malayo palang, at kung nakita nya ako sa malayo palang, mas lalong nakita ko na sya! :) Hanggang ngayon hindi nya alam yon. Nagdire-diretso lang ako para ako talaga ang lapitan nya. Syempre, sumama ako agad sa kanya at nagpunta kami sa kanila. April 26,2o11 nun kung hindi ako nagkakamali ayun ang unang pagkikita namin.

Mula ng maging kami, palagi nalang kami masaya, minsan malungkot, minsan kung saan saan kami nagpupunta, palagi nya akong pinapakilala sa kung sino sino noon at hindi ko makakalimutan sa kanya na gusto nya palagi kaming magkasama, palagi nya akong inaaya sa kanila noon buhat ng unang dating ko, naalala ko kapag tumatakas ako sa amin kahit madaling araw, wala kasi papa ko. Minsan nga hindi na ako nagpapaalam lumalayas talaga ako para mapuntahan ko lang sya, dala yung mga damit ko, dala mga pang-ayos ko para makatulog ako sa kanila kasama sya. Unang unang bagay na naibigay ko sa kanya ay ang stickman na drawing ko, sira na sya ngayon pero buti may picture pang natira at ayan yun. Nawala yan e hindi nya na alam kung saan napunta, ang nilalaman nyan yung mga panahon na nagpunta kami sa mga mama nya sa sta. maria nandyan yung kwento na kung paano ako pinakilala doon at ano ano ang mga nadaanan namin,puro nakakatuwa ang nilalaman,sayang nga lang at nawala nya na.
Napakadami na naming pinagsamahan kahit kung iisipin mo ay magpipitong bwan lang, ngunit para sa akin. Kalahati na ng buhay ko ang binuo nya buhat ng makasama ko sya. Sa Bulacan, Sa SM,Sa buong Tangos,Sa sinehan,Sa swimming pool,Sa mga historical places,Sa bahay namin at Sa bahay (kwarto) nila. Napakasaya, mahirap ikwento dahil madaming laman, madaming nangyari na mahirap pa ikwento isa-isa pero lahat yon pare-parehas.. Pare-parehas na tumatak sa isip ko, sa puso ko magpahanggang ngayon.


Kung saan saan man tayo mapadpad, pangakong magsasama at hindi maghihiwalay, pangakong magpapakasal pagkatapos ng pag-aaral at gagawa ng matatag na pamilya. Madami na tayong napagsamahan, Ilang beses na tayong kumain ng magkasabay, nagsusubuan sa pagkain, Magtawanan ng malakas, kumain ng kumain hanggat kaya, Umiyak ng sabay at maglambingan ng galit, mageskandalo sa daan at magkulitan hanggang sa hatiran. Ilang pamasahe na kaya ang nagastos natin sa isat isa sa halos walumbwan nating pagsasama? Sana.. kung gaano karami ang pisong nabitawan mo sa akin, ganun din sana ang piraso ng pagmamahal na natitira pa sa puso mo magpahanggang ngayon. Masyado kong mamimiss ang mga araw na kahawak ko ang kamay mo, hinahalikan ko at mga araw na pinagagalitan mo dahil sa katigasan ng ulo ko. Siguro ngayon, ako nalang ang gagawa non sa sarili ko. Kahit..
Kahit hindi ko kaya..

Hayaan na natin ang panahon ang magdikta para sa ating dalawa, hindi man ngayon baka maaring sa ibang pagkakataon magkita pa tayo muli at magkagaangan ng loob at muling maibalik ang naburang mga sandali. Masarap sana balikan yung pangakong.. " Sana mamhie, habang tumatagal tayo, Hindi tayo magaya sa ibang relasyon na nasisira, yung nanlalamig habang tumatagal na, Sana mamhie ganun padin tayo hanggang sa pagtanda.. "Kasama kang tumanda" <3 "Alam mo, mula nung unang nakilala moko, hanggang huli, ganun padin ako sayo.. Hindi ako magbabago, kung ano moko nakilala ganun padin gagawin ko sayo, Liligawan padin kita kahit matanda na tayo, Iiyakan padin kita kapag magkagalit tayo tandaan mo yan mamhie, Tara nga kiss mo nga ko" :* >:D<

Naalala ko pa noon kapag nag-aaway kami, hindi ako pinapakawalan nyan sa kwarto ng galit ako, yayakapin nya akong mahigpit kapag galit na galit ako, kahit na nasisipa ko sya. Nasasampal ko, nakukurot ko, iiyak lang sya hanggang sa mapatawad ko sya. Ganun nya kung ipadama lahat ng pag-ibig nya sakin. Hindi ko alam bakit nagbago unti unti ang lahat ng masasayang sandali namin. Hindi ko ginusto, Maaring hindi nya rin ginusto. Pero sana mas lalong hindi ginusto ng tadhana. Sa lahat ng nakilala ko, sa kanya napaayos ang buhay ko, tinuruan nya ako kung paano maging matapang sa problema at paano maging masaya kahit may problema. Ika nga - Ikaw ang buhay ko. You're my EVERYTHING. Pero sa ngayon? Ano na kaya ang papel ko sa buhay nya ngayon. Ganun padin ba? Hindi ko alam kung bakit kailangang maputol ang masasayang ugnayan ng dalawang taong nagmamahalan, Kung mayroon mang sisisihin sa mga pangyayaring ito. Para sa akin, sarili ko. " Wala lang, kasi.." Hindi kana kagaya noon, Hindi mo nako dinadalhan ng chicken burger".
Mga pagkakataong sabay nangangarap sa anak, buboo ng isang pamilya na may anak na babae at lalaki, babantayan, gagawing prinsesa at ituturing na prinsipe. Palalakihin ng tama at
Ilalapit na maging matyaga at may takot sa dyos.
Napakasarap isipin at napakasarap planuhin, Pero paminsan minsan, kailangan mo padin maghintay para sa pagkakataon nyo. Pero sa isang pitik ng oras, nawala lahat ng plano, nabura lahat ng notes to remember sa inyong dalawa.
Alam mo yung puntong, darating kayo sa hiwalayan? At bigla mong masasabi ang mga salitang masakit sa mahal mo. Miski ikaw dinudurog ka ng sarili mong salita. Kasi, nasasaktan ka sa mga nasasabi mo sa kanya.

Pero kapag naghiwalay na kayo, parang biglang darating yung point na.. Ayoko. Ayoko pa. Ayoko talaga. Pero minsan kung sobrang baon na, mabuti pa bumitaw kahit na hindi nyo kailangan pero kapag pumapasok sa isipan mo ang masasayang sandali ninyong dalawa. Parang lahat ng napagdaanan nyo, gusto mong sagipin kahit mahirap pa ibalik yung dating kayo. Ganun ba talaga? Minsan natatanong ko nalang sa sarili ko na baka ipinanganak ako upang magpatawad at umintindi. Ayokong sumabit sa kanya at ipilit na wag akong iwanan, pero kung magagawa ko lang siguro yon? O may lakas lang siguro ako ng loob para gawin yon. Ginawa ko na, palagi kasi akong nasasaktan bandang huli kaya hindi ko rin nagagawa. Ewan ko ba, kung bakit sa lahat lahat ng makikilala mo at mamahalin mo, yung tao pang hindi mo inaasahan. Hindi mo inaasahan na sa ganitong panahon darating at mamahalin mo ng sobra sa ganitong pagkakataon. Yan ang pag-ibig hindi natatapos.
Siguro, hanggang dito na lamang ang aming pahina. Nagwagas sa maikling oras ngunit tatatak ng sobrang tagal na panahon. Maaring may mga dumating na bago sa ating buhay ngunit hindi mo padin masasabi kung kailan at mahihigitan nya ba ang dumating sa atin na nagbigay sa atin ng buong saya. Maaring wala na, kapag minalas ka. At maaring higit kung papalarin ka. Pero ako, Isa lang ang masasabi ko.. Hindi man ako naging perpektong katambal nya sa buhay, masasabi kong napasaya ko sya sa kahit kaunting pahina ng aklat ng buhay nya. Mapalad ako at nakilala ko sya, buong puso ko. Naibuhos ko na, Luha, Oras, Panahon. Pero para sa akin, WALANG IBANG KAHULUGAN ng pag-ibig kundi kaming dalawa lamang. Matatapos ko rin itong tumatapon sa mga mata ko sa ngayon, pero kulang pa ito para masabi ko sa kanya na sobrang minamahal ko sya. Sana, may gamot sa lakas ng loob at pasensya. Kaya ang tanging maiiwan ko lang na salita ay kung may taong nagmamahal sayo ng buo, suklian mo din kung ano ang ibinibigay nya sayo, ganun din ang ibigay mo. Hindi naman mahalaga para sa akin ang magbigay ng materyales, siguro kahit panahon nalang. At pagmamahal, mapapasaya mo na yung taong gusto mong pangitiin para magkaron ka ulit ng lakas para sa mga susunod na hamon ng buhay.
 |
Stolen shot by: Arra Miranda @ Intramuros, Fort Santiago Manila (Sept.19,2011)
DAVE MARVIN AND ANJANETTE AIRA |
No comments:
Post a Comment