Thursday, December 1, 2011

April 18, 2011- Dec.1,2011



Sa ganito kami nagsimula, Eto yung dp nya noon nung inadd nya ako, unang-una gusto ko sa lalaki yung chubby din at na-cute-tan naman ako sa kanya kaya inaccept ko sya. Kahit full na yung friend request ko. Nagbura pa nga ako ng isa para maaccept ko sya, Alam kong ippm nya naman ako nararamdaman ko. At ayun, nagpm nga sya gaya ng hinihintay ko. Kinilala nya lang ako, but sad to say hindi nya hiningi yung cp # ko or kahit anong contact #, Mahilig kasi syang madota noon, busy sya at ika- nya ayaw nya din agad na kuhanin ang # ko dahil halata nga naman daw masyado at titignan nya muna kung ano ang dating ko kausap. Eto naman yung DP ko noon, lagi ko syang hinihintay mag online nun e.. Pero yung mga pagkakataong iyon may mga suitors din ako kaso mas nagustuhan ko sya kesa sa iba ayun ang totoo. Kaya ko inignore lahat yun, Hanggang sa kinuha ko na yung tel. # nya at knuha nya yung akin, nagtawagan na kami halos gabi gabi. Hanggang umaga pa nga halos kami matulog kakausap, parang walang katapusan, parang hindi mauubusan ng kwento, parang ayaw maghiwalay kahit sa telepono,nag-iiyakan pa nga minsan. Haha. nakakatuwa. At dahil sa magandang pagkakaigihan sa telepono, facebook, at text. 

Nagkaroon na ng feeling na "Tayo na" una nga ayoko pa ng ganitong petsa, kasi ganito o kasi ganyan. Pero syempre naging kami na ng Apr. 18, 2011 yan ang pinaka-cool na nangyari sa buhay ko, dyan nagumpisang gumana ang bill namin sa telepono at dyan din nagumpisang lumaki ang eyebag ko at higit sa lahat ang kilig na hindi ko na nararamdaman ng matagal ng panahon na pagkakabakante sa pag-ibig. Pero buhat nung naging kami, lahat naman yon napawi nya, lagi kaming masaya sa telepono, at ayaw ko na hindi kami nagkakausap. Una palang, nasa listahan na talaga namin ang pag-aaway kahit simpleng bagay. Napaka-selosa ko kasi at manipis masyado. At dahil nga lubusang pagkakakilala sa isa't-isa dumating na ang araw na pinakahihintay ni Dave Marvin Bueno, Ang mameet ako, pero ako kinakabahan ako na baka hindi nya ako magustuhan at baka masama syang tao o anuman ewan ko bat may bumabagabag na ganoon sa akin ng mga sandaling nasa byahe na ako. Tandang tanda ko non, naka-make-up talaga ako kasi gusto ko maganda ako kapag nakita nya ako. Kasi alam kong cute sya. Ayun sa wakas, nakarating na ako? makikipagkita pa kaya ako. Ganyan ang tanong ko habang naglalakad papalapit sa kanya, Nakita nya na ako sa malayo palang, at kung nakita nya ako sa malayo palang, mas lalong nakita ko na sya! :) Hanggang ngayon hindi nya alam yon. Nagdire-diretso lang ako para ako talaga ang lapitan nya. Syempre, sumama ako agad sa kanya at nagpunta kami sa kanila. April 26,2o11 nun kung hindi ako nagkakamali ayun ang unang pagkikita namin.
Mula ng maging kami, palagi nalang kami masaya, minsan malungkot, minsan kung saan saan kami nagpupunta, palagi nya akong pinapakilala sa kung sino sino noon at hindi ko makakalimutan sa kanya na gusto nya palagi kaming magkasama, palagi nya akong inaaya sa kanila noon buhat ng unang dating ko, naalala ko kapag tumatakas ako sa amin kahit madaling araw, wala kasi papa ko. Minsan nga hindi na ako nagpapaalam lumalayas talaga ako para mapuntahan ko lang sya, dala yung mga damit ko, dala mga pang-ayos ko para makatulog ako sa kanila kasama sya. Unang unang bagay na naibigay ko sa kanya ay ang stickman na drawing ko, sira na sya ngayon pero buti may picture pang natira at ayan yun. Nawala yan e hindi nya na alam kung saan napunta, ang nilalaman nyan yung mga panahon na nagpunta kami sa mga mama nya sa sta. maria nandyan yung kwento na kung paano ako pinakilala doon at ano ano ang mga nadaanan namin,puro nakakatuwa ang nilalaman,sayang nga lang at nawala nya na.
Napakadami  na naming pinagsamahan kahit kung iisipin mo ay magpipitong bwan lang, ngunit para sa akin. Kalahati na ng buhay ko ang binuo nya buhat ng makasama ko sya. Sa Bulacan, Sa SM,Sa buong Tangos,Sa sinehan,Sa swimming pool,Sa mga historical places,Sa bahay namin at Sa bahay (kwarto) nila. Napakasaya, mahirap ikwento dahil madaming laman, madaming nangyari na mahirap pa ikwento isa-isa pero lahat yon pare-parehas.. Pare-parehas na tumatak sa isip ko, sa puso ko magpahanggang ngayon.

 Kung saan saan man tayo mapadpad, pangakong magsasama at hindi maghihiwalay, pangakong magpapakasal pagkatapos ng pag-aaral at gagawa ng matatag na pamilya. Madami na tayong napagsamahan, Ilang beses na tayong kumain ng magkasabay, nagsusubuan sa pagkain, Magtawanan ng malakas, kumain ng kumain hanggat kaya, Umiyak ng sabay at maglambingan ng galit, mageskandalo sa daan at magkulitan hanggang sa hatiran. Ilang pamasahe na kaya ang nagastos natin sa isat isa sa halos walumbwan nating pagsasama? Sana.. kung gaano karami ang pisong nabitawan mo sa akin, ganun din sana ang piraso ng pagmamahal na natitira pa sa puso mo magpahanggang ngayon. Masyado kong mamimiss ang mga araw na kahawak ko ang kamay mo, hinahalikan ko at mga araw na pinagagalitan mo dahil sa katigasan ng ulo ko. Siguro ngayon, ako nalang ang gagawa non sa sarili ko. Kahit..
Kahit hindi ko kaya..
Hayaan na natin ang panahon ang magdikta para sa ating dalawa, hindi man ngayon baka maaring sa ibang pagkakataon magkita pa tayo muli at magkagaangan ng loob at muling maibalik ang naburang mga sandali. Masarap sana balikan yung pangakong.. " Sana mamhie, habang tumatagal tayo, Hindi tayo magaya sa ibang relasyon na nasisira, yung nanlalamig habang tumatagal na, Sana mamhie ganun padin tayo hanggang sa pagtanda.. "Kasama kang tumanda" <3 "Alam mo, mula nung unang nakilala moko, hanggang huli, ganun padin ako sayo.. Hindi ako magbabago, kung ano moko nakilala ganun padin gagawin ko sayo, Liligawan padin kita kahit matanda na tayo, Iiyakan padin kita kapag magkagalit tayo tandaan mo yan mamhie, Tara nga kiss mo nga ko" :* >:D<

Naalala ko pa noon kapag nag-aaway kami, hindi ako pinapakawalan nyan sa kwarto ng galit ako, yayakapin nya akong mahigpit kapag galit na galit ako, kahit na nasisipa ko sya. Nasasampal ko, nakukurot ko, iiyak lang sya hanggang sa mapatawad ko sya. Ganun nya kung ipadama lahat ng pag-ibig nya sakin. Hindi ko alam bakit nagbago unti unti ang lahat ng masasayang sandali namin. Hindi ko ginusto, Maaring hindi nya rin ginusto. Pero sana mas lalong hindi ginusto ng tadhana. Sa lahat ng nakilala ko, sa kanya napaayos ang buhay ko, tinuruan nya ako kung paano maging matapang sa problema at paano maging masaya kahit may problema. Ika nga - Ikaw ang buhay ko. You're my EVERYTHING. Pero sa ngayon? Ano na kaya ang papel ko sa buhay nya ngayon. Ganun padin ba? Hindi ko alam kung bakit kailangang maputol ang masasayang ugnayan ng dalawang taong nagmamahalan, Kung mayroon mang sisisihin sa mga pangyayaring ito. Para sa akin, sarili ko. " Wala lang, kasi.." Hindi kana kagaya noon, Hindi mo nako dinadalhan ng chicken burger".
Mga pagkakataong sabay nangangarap sa anak, buboo ng isang pamilya na may anak na babae at lalaki, babantayan, gagawing prinsesa at ituturing na prinsipe. Palalakihin ng tama at
Ilalapit na maging matyaga at may takot sa dyos.
Napakasarap isipin at napakasarap planuhin, Pero paminsan minsan, kailangan mo padin maghintay para sa pagkakataon nyo. Pero sa isang pitik ng oras, nawala lahat ng plano, nabura lahat ng notes to remember sa inyong dalawa.

Alam mo yung puntong, darating kayo sa hiwalayan? At bigla mong masasabi ang mga salitang masakit sa mahal mo. Miski ikaw dinudurog ka ng sarili mong salita. Kasi, nasasaktan ka sa mga nasasabi mo sa kanya.
Pero kapag naghiwalay na kayo, parang biglang darating yung point na.. Ayoko. Ayoko pa. Ayoko talaga. Pero minsan kung sobrang baon na, mabuti pa bumitaw kahit na hindi nyo kailangan pero kapag pumapasok sa isipan mo ang masasayang sandali ninyong dalawa. Parang lahat ng napagdaanan nyo, gusto mong sagipin kahit mahirap pa ibalik yung dating kayo. Ganun ba talaga? Minsan natatanong ko nalang sa sarili ko na baka ipinanganak ako upang magpatawad at umintindi. Ayokong sumabit sa kanya at ipilit na wag akong iwanan, pero kung magagawa ko lang siguro yon? O may lakas lang siguro ako ng loob para gawin yon. Ginawa ko na, palagi kasi akong nasasaktan bandang huli kaya hindi ko rin nagagawa. Ewan ko ba, kung bakit sa lahat lahat ng makikilala mo at mamahalin mo, yung tao pang hindi mo inaasahan. Hindi mo inaasahan na sa ganitong panahon darating at mamahalin mo ng sobra sa ganitong pagkakataon. Yan ang pag-ibig hindi natatapos.
Siguro, hanggang dito na lamang ang aming pahina. Nagwagas sa maikling oras ngunit tatatak ng sobrang tagal na panahon. Maaring may mga dumating na bago sa ating buhay ngunit hindi mo padin masasabi kung kailan at mahihigitan nya ba ang dumating sa atin na nagbigay sa atin ng buong saya. Maaring wala na, kapag minalas ka. At maaring higit kung papalarin ka. Pero ako, Isa lang ang masasabi ko.. Hindi man ako naging perpektong katambal nya sa buhay, masasabi kong napasaya ko sya sa kahit kaunting pahina ng aklat ng buhay nya. Mapalad ako at nakilala ko sya, buong puso ko. Naibuhos ko na, Luha, Oras, Panahon. Pero para sa akin, WALANG IBANG KAHULUGAN ng pag-ibig kundi kaming dalawa lamang. Matatapos ko rin itong tumatapon sa mga mata ko sa ngayon, pero kulang pa ito para masabi ko sa kanya na sobrang minamahal ko sya. Sana, may gamot sa lakas ng loob at pasensya. Kaya ang tanging maiiwan ko lang na salita ay kung may taong nagmamahal sayo ng buo, suklian mo din kung ano ang ibinibigay nya sayo, ganun din ang ibigay mo. Hindi naman mahalaga para sa akin ang magbigay ng materyales, siguro kahit panahon nalang. At pagmamahal, mapapasaya mo na yung taong gusto mong pangitiin para magkaron ka ulit ng lakas para sa mga susunod na hamon ng buhay.
Stolen shot by: Arra Miranda @ Intramuros, Fort Santiago Manila (Sept.19,2011)
DAVE MARVIN AND ANJANETTE AIRA

Sunday, September 11, 2011

My Reaction Paper For El Filibusterismo And Noli Me Tangere

NOLI ME TANGERE
Ang pamagat na “Noli Me Tangere” ay salitang latin na ang ibig sabihin sa tagalog ay “ Huwag Mo Akong Salingin” na halo sa ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok na lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang mga unang bahagi ng “Noli Me Tangere” noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina.
Nang makatapos ng kanyang pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon Ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang unang bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng “Noli Me Tangere” ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa “Uncle Tom’s Cavin” ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong puting Amerikano.
Inilarawan dito ang Iba’t-ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing nya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
Sa simula,binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya upang maging nobela.
Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsusulat nang walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang “Noli”. Ang lahat ng ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Noong ika-12 ng Septyembre 2009, ginananap ang teatrikong bersyon ng Noli Me Tangere sa SM North Edsa na ginanapan ng mga sikat na artista. Bagamat alam nating maraming mga nobela ang naisulat ng ating pambansang bayani, ang Noli Me Tangere ay isa sa mga pinahahalagahan at natatanging nobela niya na patuloy na ginugunita nating mga Pilipino, Ang Noli Me Tangere rin ay karaniwang pinagaaralan ng ikatlong baitang sa mataas na paraalan, sa sekondarya at sa kolehiyo. Unang nobela ni Dr. Rizal ang Noli Me Tangere.Nailathala ito noong dalawampu’t anim na taong gulang pa lamang siya. Ano nga ba ang nilalaman ng Noli Me Tangere? At ano ang kaugnayan nito sa ating mga Pilipino?

Ang nobelang ito ay makasaysayan at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Nagsimula ang storya kay Crisostomo Ibarra, na isang tagapagmana ng isang mayamang pamilya. Siya ay bumalik sa Pilipinas ng kanyang mabalitaan ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra , dahil si Don Rafael ay matagal nang hindi kumukuha ng kaniyang komunyon,idineklara ni Padre Damaso na wala nang bisa ang kaniyang pagiging katoliko, sa kabilang dako naman, nakita ni Crisostomo ang mabagal na pagunlad ng kanilang bayan, kanyang napagisipan na magtayo ng paaralan at maging guro sa kaniyang mga kababayan, lahat ng ito ay sa tulong ni Elias. Mula sa plano niyang ito, nabanggit ni Tandang Tasyo na marami na ang naudlot na proyekto ukol sa pagpapatayo ng paaralan sapagkat tinututulan ito ng mga prayle, lalong lalo na si Padre Salvi sapagkat siya ay nangangamba na ang paaralang ito ay maging banta sa kaniyang kapangyarihan sa kanilang bayan. Muntik pa ngang manganib ang buhay ni Ibarra, nailigtas lamang siya ni Elias. Si Elias ay isang piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito, dahil sa mga makapangyarihang kaaway ni Ibarra, patuloy ang pagtugis sa kanya ng mga guardia civil.

Sa kabilang dako naman si Maria Clara , ang pagibig ni Ibarra, sa di inaasahang panahon ay nadagdag pa sa kamalasang nangyayari kay Ibarra ng naipagpalit nito ang sulat ni Crisostomo sa ibang sulat na naglahad ng kaniyang tunay na kulay. Samantala , kamuntikan namang mahuli ng mga guardia sibil si Ibarra at si Elias nama’y may tama ng bala malapit sa isang sapa. Hiniling ni Elias na maraon ng kaniyang pagkamatay ay ilibing siya ni Basilio. Akala naman ng mga guardia sibil ay namatay na si Ibarra at nalunod sa sapa. Si Maria Clara naman, inakalang namatay na si Crisostomo Ibarra at sa kalungkutan at kasawian ay pumasok siya sa simbahan upang maging isang madre at hindi sinunud ang utos ni Padre Damaso napakasalan si Linares. Sa nobelang ito naging patok rin ang storya ni Sisa at ang kaniyang mga anak na Crispin at Basilio. Malungkot at kanilang naging kwento ng mabaliw si Sisa ng mawala sa kanyang piling ang kanyang dalawang anak dulot sa kahirapan at paglalapastangan ng mga paring prayle sa kanila. Nagpasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa kanya sa kabundukan at ng malaman ni Basilio na nabaliw ang kaniyang ina, hinanap niya iyon at nang magkita sila’y hindi siya kaagad nakilala ni Sisa kaya’t muli iyong tumakas. Nakarating ang kanyang ina sa gubat.

Sa aming ginawang panonood na ito nuong sekondarya pa lamang ako, masasabi kong marami akong natutunan tungkol sa pagiging makabayan ng isang Pilipino bagkus laki siya sa ibang bansa at ang pag usad o paglago ng kasarinlan ng ating bansa at paano binigyang pansin ang kakulangan na nangingibabaw sa ating bayan. Ngayon ko naintindihan kung bakit naging curriculum ang Noli Me tangere at isa itong malaking must para saming mga estudyante sapagkat ito ang magmumulat samin sa realidad na nangyayari sa ating bansa. Sa kabilang banda, nais kong pasalamatan ang aking paaralan at guro sa Filipino maging sa mga guro ko sa Historya nuon sapagkat binigyan nila kami ng pagkakataong maging bukas sa mga gawa ni Rizal at patuloy akong nagpapasalamat sa lahat ng guro pa na tumutulong para buksan pa ang aming mga isipan ukol sa pag-aaral ng buhay ng mahal nating bayaning si Rizal.
Hindi ko lamang lubos malaman kung bakit ang ilan sa mga tauhan ng nobelang ito ay may mga pag-uugali pa din silang rumereplika sa mga iba pa nating kababayan magpahanggang ngayon, Hindi man lamang magbago at hindi man lamang magsipag-unlad sa kanilang nakaugalian na hindi na naman sana nila dapat pang dalhin magpahanggang ngayon.
Ngunit magpahanggang ngayon ay lubos ko pa din hinahanggaan ang nobelang ito, at pati na rin ang iba pang gawa ng ating mahal na bayani.
Lubos ko pa’din itong tatangkilikin ,mamahalin at aalalahanin sa bawat sandali ng aking buhay.
Kahit pa ako’y maging isang ganap ng guro na balang araw, alam kong lahat ng natutuhan ko sa Rizal ay aking ipapamahagi sa lahat ng kabataan sa mga susunod pang henerasyon na kanilang magagamit sa kanilang matagumpay na pamumuhay, at matuwid na landas na dapat nilang lakaran.
Taos puso akong nagpapasalamat, na ako ay binibining isinilang sa silanganan.
Isa na lamang ang nais ko pang aminin habang sinusulat ko ito na sana manatiling matatag sa mga Pilipino na tangkilikin ang mga gawa ng ating pambansang bayani sapagkat alam naman nating modernong moderno na ang panahon.
Masaya ako at ako ay nakapanuod ng palabas na ito noong ako ay nasa sekondarya pa lamang.
Mayroon na lamang isang parirala ang iniwan ng isa sa mga tauhan sa Noli ang umantig sa aking puso:

“Mamamatay akong hindi nakikita ang ningning ng bukang-liwayway sa aking Bayan! Kayong makakakita, salubungin ninyo siya, at huwag kalilimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi.”
- ELIAS.


ANG EL FILIBUSTERIMO

Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Marciano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Septyembre 18, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
Sa introdaksyon ng nasabing nobela ay si Ferdinand Blumentritt ang nagsulat nito na nagpapabatid na ang nobelang ito ay mas masidhi keysa sa Noli ayon sa pampulitikang mga ideya ng nobela.
Bagamat hindi ko natapos ang aking napanuod na palabas nitong nagdaang Agosto 28, 2011 ay labis kong ikinatutuwa at lalong kinapapanabikang makapanood ng mas engrandeng palabas ng El Filibusterismo sapagkat akin lamang itong napanood sa simpleng pagtatanghal ng mga estudyante ng University of Manila sa Rizal Park at ito ay libre lamang dahil sa kanilang pagdiriwang ng “Bwan ng Wikang Pambansa”.
Ito ay alay sa mga pumapasyal sa Luneta upang mapanuod at muling maibukas ng mga kabataan,matanda at mga binata’t dalaga ang kanikanilang mga mata sa nakalipas na pangyayari sa ating bayan na karamihan sa mga mamamayan ay alam lamang basahin at hindi alam intindihin.
Sa aking napanuod na pagtatanghal ay gusto ko itong masundan pa ng mas malinaw at mas mahuhusay na manananghal kagaya ng aking napanuod noong nasa sekondarya pa lamang ako na ang itinanghal ay ang Noli Me Tangere.
Lahat ng aking napanood at nababasa magpasa-mula ngayon lingid sa mga nobela ni Rizal ay aking maibahagi pagkatapos ko sa aking pag-aaral.
Nais kong sundan at gayahin ang yapak sa mga pagsubok na napagdaanan ng ating mahal na bayaning si Rizal na hindi ito daan para hindi mo matipos ang mga bagay bagay at kailangan mong gawin ang mas mainam na daan upang matipos mo ang mga lakbayin mo sa buhay.
At bilang pagkakaintindi sa aking napanood ay marapat na nating ipagpatuloy ang kalayaan para sa ating mga sarili upang hindi tayo inaapi at inaalipusta ng kung sino mang walang karapatan na gawin ang mga bagay na ito sa atin.
Saludo ako sa ating Bayani.

By:


ME :)