NOLI ME TANGERE
Ang pamagat na “Noli Me Tangere” ay salitang latin na ang ibig sabihin sa tagalog ay “ Huwag Mo Akong Salingin” na halo sa ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok na lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang mga unang bahagi ng “Noli Me Tangere” noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina.
Nang makatapos ng kanyang pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon Ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang unang bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng “Noli Me Tangere” ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa “Uncle Tom’s Cavin” ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong puting Amerikano.
Inilarawan dito ang Iba’t-ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing nya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
Sa simula,binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya upang maging nobela.
Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsusulat nang walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang “Noli”. Ang lahat ng ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Noong ika-12 ng Septyembre 2009, ginananap ang teatrikong bersyon ng Noli Me Tangere sa SM North Edsa na ginanapan ng mga sikat na artista. Bagamat alam nating maraming mga nobela ang naisulat ng ating pambansang bayani, ang Noli Me Tangere ay isa sa mga pinahahalagahan at natatanging nobela niya na patuloy na ginugunita nating mga Pilipino, Ang Noli Me Tangere rin ay karaniwang pinagaaralan ng ikatlong baitang sa mataas na paraalan, sa sekondarya at sa kolehiyo. Unang nobela ni Dr. Rizal ang Noli Me Tangere.Nailathala ito noong dalawampu’t anim na taong gulang pa lamang siya. Ano nga ba ang nilalaman ng Noli Me Tangere? At ano ang kaugnayan nito sa ating mga Pilipino?
Ang nobelang ito ay makasaysayan at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Nagsimula ang storya kay Crisostomo Ibarra, na isang tagapagmana ng isang mayamang pamilya. Siya ay bumalik sa Pilipinas ng kanyang mabalitaan ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra , dahil si Don Rafael ay matagal nang hindi kumukuha ng kaniyang komunyon,idineklara ni Padre Damaso na wala nang bisa ang kaniyang pagiging katoliko, sa kabilang dako naman, nakita ni Crisostomo ang mabagal na pagunlad ng kanilang bayan, kanyang napagisipan na magtayo ng paaralan at maging guro sa kaniyang mga kababayan, lahat ng ito ay sa tulong ni Elias. Mula sa plano niyang ito, nabanggit ni Tandang Tasyo na marami na ang naudlot na proyekto ukol sa pagpapatayo ng paaralan sapagkat tinututulan ito ng mga prayle, lalong lalo na si Padre Salvi sapagkat siya ay nangangamba na ang paaralang ito ay maging banta sa kaniyang kapangyarihan sa kanilang bayan. Muntik pa ngang manganib ang buhay ni Ibarra, nailigtas lamang siya ni Elias. Si Elias ay isang piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito, dahil sa mga makapangyarihang kaaway ni Ibarra, patuloy ang pagtugis sa kanya ng mga guardia civil.
Sa kabilang dako naman si Maria Clara , ang pagibig ni Ibarra, sa di inaasahang panahon ay nadagdag pa sa kamalasang nangyayari kay Ibarra ng naipagpalit nito ang sulat ni Crisostomo sa ibang sulat na naglahad ng kaniyang tunay na kulay. Samantala , kamuntikan namang mahuli ng mga guardia sibil si Ibarra at si Elias nama’y may tama ng bala malapit sa isang sapa. Hiniling ni Elias na maraon ng kaniyang pagkamatay ay ilibing siya ni Basilio. Akala naman ng mga guardia sibil ay namatay na si Ibarra at nalunod sa sapa. Si Maria Clara naman, inakalang namatay na si Crisostomo Ibarra at sa kalungkutan at kasawian ay pumasok siya sa simbahan upang maging isang madre at hindi sinunud ang utos ni Padre Damaso napakasalan si Linares. Sa nobelang ito naging patok rin ang storya ni Sisa at ang kaniyang mga anak na Crispin at Basilio. Malungkot at kanilang naging kwento ng mabaliw si Sisa ng mawala sa kanyang piling ang kanyang dalawang anak dulot sa kahirapan at paglalapastangan ng mga paring prayle sa kanila. Nagpasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa kanya sa kabundukan at ng malaman ni Basilio na nabaliw ang kaniyang ina, hinanap niya iyon at nang magkita sila’y hindi siya kaagad nakilala ni Sisa kaya’t muli iyong tumakas. Nakarating ang kanyang ina sa gubat.
Sa aming ginawang panonood na ito nuong sekondarya pa lamang ako, masasabi kong marami akong natutunan tungkol sa pagiging makabayan ng isang Pilipino bagkus laki siya sa ibang bansa at ang pag usad o paglago ng kasarinlan ng ating bansa at paano binigyang pansin ang kakulangan na nangingibabaw sa ating bayan. Ngayon ko naintindihan kung bakit naging curriculum ang Noli Me tangere at isa itong malaking must para saming mga estudyante sapagkat ito ang magmumulat samin sa realidad na nangyayari sa ating bansa. Sa kabilang banda, nais kong pasalamatan ang aking paaralan at guro sa Filipino maging sa mga guro ko sa Historya nuon sapagkat binigyan nila kami ng pagkakataong maging bukas sa mga gawa ni Rizal at patuloy akong nagpapasalamat sa lahat ng guro pa na tumutulong para buksan pa ang aming mga isipan ukol sa pag-aaral ng buhay ng mahal nating bayaning si Rizal.

Hindi ko lamang lubos malaman kung bakit ang ilan sa mga tauhan ng nobelang ito ay may mga pag-uugali pa din silang rumereplika sa mga iba pa nating kababayan magpahanggang ngayon, Hindi man lamang magbago at hindi man lamang magsipag-unlad sa kanilang nakaugalian na hindi na naman sana nila dapat pang dalhin magpahanggang ngayon.
Ngunit magpahanggang ngayon ay lubos ko pa din hinahanggaan ang nobelang ito, at pati na rin ang iba pang gawa ng ating mahal na bayani.
Lubos ko pa’din itong tatangkilikin ,mamahalin at aalalahanin sa bawat sandali ng aking buhay.
Kahit pa ako’y maging isang ganap ng guro na balang araw, alam kong lahat ng natutuhan ko sa Rizal ay aking ipapamahagi sa lahat ng kabataan sa mga susunod pang henerasyon na kanilang magagamit sa kanilang matagumpay na pamumuhay, at matuwid na landas na dapat nilang lakaran.
Taos puso akong nagpapasalamat, na ako ay binibining isinilang sa silanganan.
Isa na lamang ang nais ko pang aminin habang sinusulat ko ito na sana manatiling matatag sa mga Pilipino na tangkilikin ang mga gawa ng ating pambansang bayani sapagkat alam naman nating modernong moderno na ang panahon.
Masaya ako at ako ay nakapanuod ng palabas na ito noong ako ay nasa sekondarya pa lamang.
Mayroon na lamang isang parirala ang iniwan ng isa sa mga tauhan sa Noli ang umantig sa aking puso:
“Mamamatay akong hindi nakikita ang ningning ng bukang-liwayway sa aking Bayan! Kayong makakakita, salubungin ninyo siya, at huwag kalilimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi.”

- ELIAS.
ANG EL FILIBUSTERIMO
Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Marciano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Septyembre 18, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
Sa introdaksyon ng nasabing nobela ay si Ferdinand Blumentritt ang nagsulat nito na nagpapabatid na ang nobelang ito ay mas masidhi keysa sa Noli ayon sa pampulitikang mga ideya ng nobela.
Bagamat hindi ko natapos ang aking napanuod na palabas nitong nagdaang Agosto 28, 2011 ay labis kong ikinatutuwa at lalong kinapapanabikang makapanood ng mas engrandeng palabas ng El Filibusterismo sapagkat akin lamang itong napanood sa simpleng pagtatanghal ng mga estudyante ng University of Manila sa Rizal Park at ito ay libre lamang dahil sa kanilang pagdiriwang ng “Bwan ng Wikang Pambansa”.
Ito ay alay sa mga pumapasyal sa Luneta upang mapanuod at muling maibukas ng mga kabataan,matanda at mga binata’t dalaga ang kanikanilang mga mata sa nakalipas na pangyayari sa ating bayan na karamihan sa mga mamamayan ay alam lamang basahin at hindi alam intindihin.
Sa aking napanuod na pagtatanghal ay gusto ko itong masundan pa ng mas malinaw at mas mahuhusay na manananghal kagaya ng aking napanuod noong nasa sekondarya pa lamang ako na ang itinanghal ay ang Noli Me Tangere.
Lahat ng aking napanood at nababasa magpasa-mula ngayon lingid sa mga nobela ni Rizal ay aking maibahagi pagkatapos ko sa aking pag-aaral.
Nais kong sundan at gayahin ang yapak sa mga pagsubok na napagdaanan ng ating mahal na bayaning si Rizal na hindi ito daan para hindi mo matipos ang mga bagay bagay at kailangan mong gawin ang mas mainam na daan upang matipos mo ang mga lakbayin mo sa buhay.
At bilang pagkakaintindi sa aking napanood ay marapat na nating ipagpatuloy ang kalayaan para sa ating mga sarili upang hindi tayo inaapi at inaalipusta ng kung sino mang walang karapatan na gawin ang mga bagay na ito sa atin.
Saludo ako sa ating Bayani.
By:
ME :)
ME :)